PAMPANGA - Patay ang apat na Chinese matapos umanong makipagbarilan sa mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation na ikinasamsam ng ₱262 milyong halaga ng iligal na droga sa Barangay Pulung Cacutud, Angeles City ng lalawigan nitong Lunes, Oktubre 18.

Sa pahayag niPhilippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Central Luzon Regional Director Bryan Babang,nakilala ang mga napatay na sinaCai Ya Bing, tubongYungchengCity, Shanxi, China; Erbo Ke, taga-Quanzhou City, Fujian, China; Huang Guidong at Wuyuan Shen/Jinpeng Zhang, kapwa taga-Zhang Zhou sa Fujian, China.

Depensa ni Babang, naglatag ng anti-illegal drug operation ang PDEA laban sa grupo ng mga suspek na nagresulta sa sagupaan na ikinamatay ng apat na Chinese.

Nasamsam sa mga suspek ang 38 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng₱262,200,000, apat na cal. 45 pistol, dalawang cellphone, marked money at drug paraphernalias.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Kabilang sa nagsagawa ng operasyon ang composite team mula saRegion 3 (Central Luzon) office, Armed Forces of the Philippines-Task Force NOAH, anti-drug unit sa Metro Manila, National Capital Region Police Office-Regional Intelligence Division, Bureau of Customs, at Angeles City Police.

PNA