Inihayag ni House Deputy Speaker Prospero Pichay Jr., secretary general ng Lakas-CMD na kinukumbinsi nila si Sen. Ramon 'Bong' Revilla, Jr. na kumandidato sa pagka-pangulo, at maging standard-bearer nila.
Sa kahuli-hulihang pagkakataon kasi ay tumanggi si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, ang kanilang unang choice, na tumakbo bilang pangulo sa darating na halalan.
“Yes, Senator Bong Revilla is still an option. We actually tried to convince him to run for president but he declined. We’re hoping he will still change his mind,” saad ni Pichay sa isang panayam.
Ayon kay Pichay, may hanggang Nobyembre 15 pa naman si Revilla para makipag-substitute kay for Anna Capela Velasco, na nag-file ng kandidatura sa pagka-pangulo, na nasa ilalim ng Lakas-CMD.
Samantala, wala pang pahayag ang senador hinggil dito.