Nakatakdang magakaroon ng three-week decision-writing period ang Supreme Court simula Lunes, Oktubre 18 hanggang November 8.

Sa loob ng panahon ito, wala munang magaganap na session sa tatlong dibisyon at sa buong korte maliban na lang kung ang kaso ay urgent at naisampa bago pa ang nasabing resolusyon.

Habang wala pang kumpirmasyon mula sa SC, ang inaasahang pasya ng korte na nakatakdang ilabas ay kaugnay sa 37 petitions na humamon sa legalidad ng Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020 sa ilalim ng Republic Act No. 11479.

Siniguro ng SC na mareresolba ang mga petisyon laban sa ATA bago magtapos ang taon.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa Lunes, Oktubre 18, mananatiling bukas ang mga trial courts sa Metro Manila para sa mga in-court proceedings na urgent.

Kasalukuyang nasa Alert Level 3 ang Metro Manila mula Oktubre 16 hanngang Oktubre 31 matapos makita ang negative growth rate sa mga bagong kaso ng COVID-19.

Sa circular na inilabas ni Court Administrator Jose Midas P. Marquez para sa SC, limitado lamng ang in-court proceedings sa mga abogado, sangkot na partido at mga witness.

Nananatiling 50% lang ang kabuuang workforce ng mga trial courts ayon pa sa nasabing circular.