Kinuwestiyon ni OVP spokesperson lawyer Barry Gutierrez nitong Linggo, Oktubre 17, kung bakit tumagal ang rehabilitation response ng gobyerno sa Marawi matapos ang apat na taong siege na kung saan mahigit127,000 na pamilya ang lumikas.

“Hindi na maiksing panahon ‘yung apat na taon. 2017 pa ‘yun. Tapos ngayon, hindi pa rin natutugunan ng buo itong problemang ito," ani lawyer Barry Gutierrez sa weekly radio show ni Robredo sa dzXL.

“Alalahanin nyo, nangyari ito halos isang taon pa lang ang simula ng termino ng administrasyon. Ngayon, patapos na termino," dagdag pa niya.

Wala sa programa ang bise presidente nitong Linggo dahil nagtungo ito sa Bukidnon para sa programa ng Office of the Vice President para sa undernourished children.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ng tagapagsalita na ang mabagal na pagtugon ay maaaring may kinalamansa pamumuno.

“Kailangan mas mabilis ang ating makuhang pamumuno para iyong ganitong mga klaseng problema natutugunan agad," paglalahad niya.

“Kung magkakaroon tayo ng anumang proyekto na para sa kanilang kapakanan, kung tayo’y magkakaroon ng rebuilding, konsultahin ‘yung mga tao mismong maapektuhan nito, ‘yung mga titira dun, ‘yung mga nawalan ng bahay dati," aniya.

Mismong si Robredo ang nanguna sa Angat Buhay Village sa Marawi City. Nagturn-over ang OVP ng 70 housing units para sa mga lumikas na pamilya sa Marawi, at maging ang mga classroom buildings.