Inanunsyo ng Quezon City government na magbubukas muli ang Quezon City Public Library (QCPL) para sa mga onsite library users sa Oktubre 18.
Ito'y matapos aprubahan ng Malacañang na sumailalim ang Metro Manila sa Alert level 3 noong Oktubre 14.
Tatanggap ang QCPL ng 30 na katao kada araw, base sa guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Required na magfill up ng online registration form ang mga kliyente na nakapost sa official Facebook page ng library.
Sinabi rin ng QCPL na tatanggapin lamang nila ang mga fully vaccinated at dala ang vaccination card bilang patunay.
Hindi rin pinapayagan ang mga walk-in.
Noong March 2020, pansamantalang sinara ang QCPL dahil sa enhanced community quarantine na pinataw sa Metro Manila.
Aaron Dioquino