Sinabi ni Presidential aspirant Sen. Panfilo Lacson Sr. na walang siyang problema sa mga artistang  sumasali sa politika, basta't gampanan umano ang kanilang mga tungkulin.

“Lahat naman, mga artista, policeman, miski anong pinanggalingan na background, they have all good intentions. Pagdating na lang doon, yung good intentions, minsan maraming obstacles, yung temptations, always come along the way. ‘Yun ang problema,” ani Lacson sa Zoom conference na inorganisa ni Wilson Lee Flores, may-ari ng Kamuning Bakery.

“So, ang mau-offer lang namin, we have a track record, na kahit minsan, sa tagal-tagal ko na sa gobyerno, hindi ako tumanggap ng suhol, hindi ako tumanggap ng bribe, hindi ako tumanggap o nang-extort, so ngayon pa ba naman kami magpapakasira, eh ito na `yung last hurrah o last 6 years of our public service career, so that much we can offer," aniya.

“So, pagdating naman sa mga background, lahat naman talaga, dapat hindi natin i-judge kung ano ang pinanggalingan. Ang dapat tingnan natin ay kung ano ang gagawin? What can they do, o what they will do for the country?” dagdag pa nito.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ang running mate ni Lacson na si Senate President Tito Sotto ay kilalang artista at television host.

Bukod kina Sotto at Isko Moreno, narito pa ang mga celebrities na tatakbo sa 2022 national elections: Nora Aunor, Tom Rodriguez, Monsour del Rosario, Herbert Bautista, Robin Padilla, Jason Abalos, Ejay Falcon, Richard Yap, Javi Benitez, Jhong Hilario, Lou Veloso, Anjo Yllana, Angelu de Leon, Aiko Melendez, Bobby Andrews, Lucy Torres-Gomez, Richard Gomez, Nash Aguas, Dennis Padilla, Arjo Atayde, Karla Estrada, Claudine Barretto, Angelica Jones, Alex Castro, Imelda Papin, Jomari Yllana, Vandolph Quizon, Shamcey Supsup, at Jinggoy Estrada.

Robert Requintana