Target ng Commission on Elections (Comelec) na mailabas na sa Disyembre ang pinal na listahan ng mga kandidatong papayagang tumakbo sa 2022 national and local elections.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, inaasahan rin nilang aabot sa 95% na nuisance candidates o panggulong kandidato, ang matatanggal sa listahan.

“Ine-expect natin ang final list around December. 'Yun ang final. Ang pagsasala magagaganap ngayon,” pahayag pa ni Jimenez, sa isang panayam sa radyo nitong Linggo.

Aminado si Jimenez na maraming trabaho ang Comelec ngayon dahil sa dami ng mga naghain ng kandidatura.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya, nasa 97 ang naghain ng kandidatura sa pagka-presidente habang 28 naman sa pagka-bise presidente.

“Unang tingin pa lang alam mong makakatanggal ka ng mga 95% na mag-file. Siguro matitira sa atin hindi lalampas ng sampu,” aniya pa.

Matatandaang idinaos ng Comelec ang paghahain ng kandidatura ng mga kandidato mula Oktubre 1 hanggang 8.

Gayunman, maaari pang magkaroon ng substitution ng mga kandidato hanggang sa Nobyembre 15, 2021.

Mary Ann Santiago