Nasa higit 30 percent na mga pending passport applications na may maling isinumiteng datos ang naproseso at handa nang i-print ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“The processing of passport applications with errors in the name and date of birth accepted between July and September 2021 are being sped up,” sabi ng ahensya nitong gabi ng Sabado, Oktubre 16.

Ibinunyag na 31.5 percent sa kabuuang 20,133 pending applications mula Hulyo hanggang Setyembre 2021 ang naproseso na at handa na sa printing mula Oktubre 15. Katumbas ito sa nasa 6,351 applications.

Dagdag ng department, nasa 68.5 percent na dagdag na passport applications ang nananatiling pending. Ito ang mga aplikasyon na may mali sa pangalan o petsa ng kapanganakan.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Pinapayuhan ang mga applicants na suriin muna ang status ng kanilang passport bago magtungo sa mga releasing site sa pamamagitanj ng passport tracking system o pending applications tracker.

Sabi ng Foreign Affaird department noong Oktubre 12, nananatiling sarado pa ang slots para sa natuturang mga araw ng Oktubre hanggang Disyembre ngunit inaasahan din ang pagbubukas nito sa mga susunod na araw.

Umaasa ang departamento na makukumpleto nila ang pagsasatama sa mga maling datos sa mga passport ngayong buwan ng Oktubre, ani Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay.

Pagpaalala ni Dulay s apubliko: “appointment slots are free and can only be secured via passport.gov.ph.”

Hinikayat din ng opisyal na siguraduhing tama ang pangalan at petsa ng kapanganakan ang mailalagay sa application form para maiwan ang delay.

Nitong Setyembre, ibinunyag ni Foreign Affairs Assistant Secretary for Consular Affairs Senen Mangalile ang nasa 26,000 passsport applications na nakitaan ng errors.

Kailangan mag-secure ng panibagong online schedule ang mga naturang aplikante.

Dahil dito, binuksan ng DFA ang dagdag na mga temporary offsite passport services (TOPS) facilities sa Metro Manila at mga probinsya para tugunan ang demand ng publiko.

Betheena Unite