Ipinawalang-bisa na ang ordinansa na nagbabawal sa pagbebenta, pagbili at pag-inom ng mga alcoholic beverages o City Ordinance No. 2021-18 sa Navotas nitong Sabado, Oktubre 16.
Ito ay kasunod ng anunsyo na nasa Alert Level 3 na ang Metro Manila kung saan mas maluwag na mga restrictions ang ipatutupad upang mas maraming economic activities ang magawa.
Gayunpaman, nananatiling bawal ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar. Maaari lang uminom ang mga residente sa loob ng bahay.
Naibaba ang ordinnasa noong Marso 2021 alinsunod sa restrictions na ipinatupad ng Inter Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF) dahil sa pagdami ng COVID-19 cases.
Aaron Dioquino