Bagaman laman ng ulat na mahinang performance ni Vice President Leni Robredo sa mga surveys, nagtataka ngayon ang tagapagsalita nito na si Barry Gutierez sa mga atakeng pinupukol ng mga kalaban ngayon pa lang.

Binanggit ni Gutierrez na target ang bise-presidente ngayon pa lang kahit hindi pa nagsisimula ang kampanya.

“Mula noong nagdeklara si VP Leni, di ba sinasabi ng mga tao bumubuntot naman sa survey ‘yan, hindi malakas ‘yan. Pero bakit parang ang napapansin ko lang…halos lahat yata ng ibang mga kandidato siya ‘yung binabanatan, siya ang pinupuntirya,” ani Gutierrez sa dzXL nitong Linggo, Oktubre 17.

Sa pinakahuling preference survey, lumabas na sa 8 percent, nasa likod si Robredo sa mga kilalang pangalan kabilang na si Mayor Sarah Duterte-Carpio, Manila Mayor Isko Moreno, former Senator Bongbong Marcos, at Senator Manny Pacquiao.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ngunit simula nong inanunsyo ni Robredo ang kanyang kandidatura pagkapanagulo noong Oktubre 7, tila laman na siya ng mga kritisismo mula kay Moreno at Senator Panfilo Lacson, parehong presidential hopefuls at katunggali ng bise-presidente sa Halalan 2022.

Dagdag pa ng tagapagsalita, walang suporta mula sa mga lokal na pamahalaan si Robredo habang ilang Liberal Party (LP) members kabilang na si Cebu Vice Governor Junjun Davide ang nagpahayag na ng suporta.

Ilang mga suporta na rin ang lumalapit kay Robredo ngunit tamang oras lang ang hinihintay na tanggapin ito bagaman nakarating na sa bise-presidente ayon kay Gutierrez.

“Ang inaasahan namin at ang kinatutuwa namin ay iyong suporta ng ordinaryong mamamayan. Iyong mga lumabas nang nagsimula noong Huwebes,” pagpupunto ni Gutierrez.

Sa pamamagitan ng pagsusuot ng pink shirts, pag-oorganisa ng mga motorcades kabilang ang nailunsad sa Bicol, Cebu at Laguna; paglalagay ng pink na ribbon sa mga gates ng ilang kabahayan at pagpapalit ng profile pictures online ang ilan sa mga paraan ng pagsuporta kay Robredo, ani Gutierres.

Bumuhos din ang suporta ng mga celebrities at social media influencers na kalakhan ay hindi pa nakakasalamuha ng grupo nila Gutierrez.

“Ang hinihiling naman natin dito simple—ilabas lang natin iyong totoo tungkol kay VP Leni,” sabi ni Gutierrez habang pinupunto ang nasa 100 kilalang showbiz personalities na nagpahayag ng suporta kay Robredo.

“Iyong nakikita ninyo kay VP Leni uri ng liderato, ‘yung uri ng serbisyo ikalat lang natin. Ikwento lang natin atsigurado ako mas madaming pang sasama sa mga sumusuporta at naniniwala sa ating bise president,” dagdag niya.

Nangako ang kampo ni Robredo ng people’s campaign, isang volunteer-driven na pangangampanya bilang tugon sa kakulangan ng makinarya at pinansya ni Robredo.

Raymund Antonio