Pinuri ni Senator “Bong” Go ang security forces ng Marawi City sa ipinamalas na katapangan at sakripisyo para masuportahan ang hakbang ng Duterte administration sa pagkamit ng kapayapaan sa bansa.

Pinangunahan ni Pangulong Duterte at ni Go ang pagbabalik-tanaw ng pagkagapi ng Maute terrorist group nitong Sabado, Oktubre 16. Naganap angisang programa sa Rizal Park sa Islamic City of Marawi sa Lanao del Sur.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Siniguro ni Go na itataguyod ng pamahalaan ang pagpapanatili sa kapayapaan at patuloy na pag-uland ng bansa.

“The government’s efforts in achieving sustainable peace and development across the country must be continuously pursued,”sabi ng senador.

Sa kanyang talumpati, pinuri niya ang Task Force Bangon Marawi para sa serbisyo at sakripisyo ng mga ito.

“Patuloy po akong magseserbisyo sa mga kapatid natin sa Mindanao upang tuluyang makamit ang inaasam na kapayapaan at kaunlaran hindi lamang para sa mga kababayan nating Muslim kundi para sa buong Pilipinas,” dagdag niya.

Ben Rosario