Bahagyang niyanig ng 4.2-magnitude na lindol ang bahagi ng Camarines Sur nitong Linggo ng gabi.

Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 6:51 ng gabi nang maramdaman ang pagyanig sa layong 5 kilometro Timog Silangan ng Canaman ng lalawigan.

Sinabi ng Phivolcs na tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na lumikha ng lalim na 4 kilometro.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Naramdaman din ang Intensity V sa Canaman, Camarines Sur; habang Intensity IV naman ang tumama sa Calabanga, Camarines Sur.

Idinagdag pa ng ahensya na posibleng nagdulotng pagkasira ng mga bahay ang nasabing lindol.

Jhon Aldrin Casinas