Nag set-up ng sarili nitong quarantine facility hindi lang para sa tatamaan ng COVID-19 kundi para sa iba pang sakit ang Davao Prison and Penal Farm (DPPF) sa Davao del Norte ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) nitong Linggo, Oktubre 17.

“This project of Regional Superintendent CTSupt. Albert C. Manalo prepares DPPF to any emerging infectious diseases and intensifies the isolation/quarantine capability of this institution to mitigate the effects of the pandemic and protect the PDLs [persons deprived of liberty] population from contagious diseases,” sabi ng BuCor.

Nasuri na rin ng DPPF’s Infrastructure Inspection Team na pinangunahan niCSInsp. Nonie Forro. ang bagong-gawang pasilidad nitong Biyernes, Oktubre 15.

Sa datos ng BuCor mula August 27, nasa kabuuang 369 personnel at 645 PDLs ang dinapuan ng COVID-19.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Mula Agosto 31, nasa kabuuang 3,384 na ang bakunado. Nasa mahigit 48,000 ang PDLs sa pitong pasilidad ng BuCor sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Jeffrey Damicog