Isa umanong karangalan para kay dating senador Antonio 'Sonny' Trillanes IV na mapabilang sa tiket ni Presidential Candidate VP Leni Robredo, bilang kandidato sa pagka-senador, na ini-anunsyo niya nitong Oktubre 15, 2021.

Ayon sa tweet ni Trillanes nitong Oktubre 15, nirerespeto umano ng grupong Magdalo ang desisyon ni VP Leni sa seleksyon ng kaniyang mga naging kaalyado sa tiket.

"Isang malaking karangalan na maisama sa senatorial slate ng ating next President @lenirobredo. Ako at ang grupong Magdalo ay nirerespeto ang resulta ng selection process na ito," aniya.

Nakatuon umano sila sa kanilang layuning maipanalo si VP Leni na tinawag niyang 'next President'.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Higit pa rito, nakatuon kami sa pagpapanalo ng ating next President Leni Robredo."

Screengrab mula sa Twitter (Sonny Trillanes IV)

Kapansin-pansin umano na ang ilan sa mga isinama ni VP Leni sa kaniyang tiket ay mga dating nakatunggali sa pagka-bise presidente noong 2016, gaya nga ni Trillanes at Sorsogon Governor Chiz Escudero. Ito umano ay 'symbolic way' para ipakita sa taumbayan na siya umano ay bukas sa iba't ibang mga political parties.

Bukod kay Trillanes, kasama rin sa senatorial line-up sina Teddy Baguilat Jr. (Liberal Party), Jojo Binay (United Nationalist Alliance), Leila de Lima (Liberal Party), Chel Diokno (Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino), Chiz Escudero (Nationalist People's Coalition), Dick Gordon (Bagumbayan VNP Movement), Risa Hontiveros (Akbayan Party), Alex Lacson (Kapatiran Party), Joel Villanueva (Independent), at Migz Zubiri (Independent).