Ilang linggo na umanong 'inookray' ng mga netizens ang 'sampalan scene' nina Myrtle Sarroza at Claire Castro sa panghapong teleseryeng 'Nagbabagang Luha' sa GMA Network.

Anila, 'malamya' umano ang naging sampalan ng dalawa sa eksena kung saan nagka-komprontahan ang kanilang mga karakter, na isang 'impakta' at 'demonyita'.

Makikita sa eksena na ipinatikim ni Claire kay Myrtle ang pagiging 'demonyita' niya at sinampal ito sa isang pisngi. Doble naman ang pagkiyompal ni Myrtle sa kaniya.

Pinupuna ng mga netizens na parang napaka-teknikal at hindi natural ang eksena.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Dinepensahan naman ito ng leading man na si Rayver Cruz, sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP.

"First of all, siguro minsan kasi hindi mukhang malakas sa TV, eh, pero kapag nandoon ka kasi, ginagawa mo iyon, malakas talaga iyong mga sampalan, minsan nagkakalituhan lang, di ba?"

“Sa mga nagki-criticize kay Claire, eh, alam ko hindi naman kayang ma-please lahat, di ba?

Para kay Rayver, magaling umarte si Claire at naibibigay naman nito ang nararapat na hustisya para sa kaniyang karakter. Kita niya umano ang kagustuhan nitong matuto, dahil baguhan pa nga lamang ito.

“Pero ang masasabi ko, napakagaling niya doon sa project and nakita ko iyong willingness niya na matuto talaga, lalo na sa ganoon kabigat na project and talagang pinagbutihan niya.

“Kahit sa mga eksena namin, kahit iyong eksena namin sa may bridge na iyon nga, sinabi niyang may nangyari sa amin, nakikita ko iyong lalim niya as an actress.”

Kamakailan lamang ay pinag-usapan naman ang pagsampal kay Claire ng batikang aktres at direktor na si Gina Alajar. Aniya, karangalan daw ito para sa kaniya.

Ang teleseryeng 'Nagbabagang Luha' na pinangungunahan nina Rayver Cruz at Glaiza De Castro, ay remake ng 1988 movie na ito, kung saan ang papel ni Glaiza na 'Maita' ay dating ginampanan ni Lorna Tolentino, si Rayver naman ay si Alex na ginampanan ni Gabby Concepcion, at si Claire naman ay bilang 'Claire' na naunang ginampanan ni Alice Dixson.