Tinaasan at binigyan ng Kamara ng P29.5 bilyon ang pandemic response programs ng Department of Health (DOH) para sa 2022.

Ipinasiya ng komite na amyendahan ang 2022 General Appropriations Bill (GAB) upang mai-realign ang mga pondo para sa government’s health programs na kulang ang mga budget sa National Expenditure Program (NEP), na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso.

Nangako si Speaker Lord Allan Velasco na ipadadala agad sa Senado ang P5.024 trilyong national budget na inilarawan niya bilang “more responsive and balanced national budget” for 2022.

“We are very proud of this budget and what it will do to help our country recover from the devastation caused by the COVID-19 pandemic. We believe the House delivered a budget that directly responds to the greatest needs of the Filipino people amid this unprecedented global health crisis,” ayon kay Velasco.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon sa mambabatas ng Marinduque, ipadadala nila sa Senado ang printed copy ng pinagtibay na pambansang budget sa Oktubre 27 para bigyan ng sapat na panahon ang mga senador na pag-aralan at suriin ito.

Sinabi naman ni Appropriations committee chairman Rep. Eric Yap na ang DOH ay magtatamo ng P20 bilyong increase para sa pagbili ng COVID-19 vaccines at booster shots, P5 bilyon sa medical assistance para sa mahihirap na mga pasyente, at P4.5 bilyon para sa special risk allowance (SRA) ng mga pribado at pampublikong health workers.

Bert de Guzman