Nasabat ng anti-illegal drug operatives ang nasa P1.65 bilyong-halagang shabu mula sa dalawang hinihinalang big-time drug dealers sa isang buy-bust operation sa Dasmariñas City nitong Sabado, Oktubre 16.

Sa isang police report na nakuha ng Manila Bullertin, natukoy ang mga arestadong suspek na sina Wilfredo Blanco, 37; at Megan Pedroro, 38; parehong residente ng Montalban, Rizal.

Narekober ang nasa 240 kilong shabu na may street value na P1.656 billion at ang isang van na ginagamit umano ng mga suspek sa pagbiyahe ng mga epektus sa Metro Manila at mga karatig na lugar.

Bahagi ang operasyon sa patuloy na pagtugis ng mga awtoridad sa mga sindikatong namamahagi ng ng ilegal na droga gamit ang shabu na ilegal na nakakapuslit sa Pilipinas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagka-aresto ng dalawang suspek at pagkasamsam  sa mga ilegal na droga.

Aaron Recuenco