Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na inaapura na ang rehabilitationprojects sa Marawi City upang matapos na ito bago matapos ang kanyang termino.

Ito ang inihayag ng Pangulo nang pangunahan nito ang paggunita sa ika-4 na anibersaryo ng kalayaan ng Marawi City mula sa pagkubkob ng mga terorista noong May 23, 2017.

“Let me take this opportunity to reassure the people of Marawi that the government is doing its best to expedite the completion of rehabilitation projects at the soonest time possible. We, in government, are strongly committed to bring back the city’s glory,” ang bahagi ng talumpati ni Duterte sa idinaos na seremonya sa Rizal Park sa Marawi City, Lanao del Sur, nitong Sabado.

Mahalaga aniya na maibangon ang pamumuhay ng mga residente ng lungsod na nawasak sa pagkubkob ng mga terorista.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

“It is my pleasure to join you today as we mark this historic occasion by allowing the rays of hope to light up the darkness that once enveloped the City of Marawi. We will continue to foster cooperation among concerned stakeholders so that Marawi will be able to build back better and stronger," pagdidiinng Pangulo.

PNA