Inamin ni senatorial candidate at Mindanao civic leader Samira Gutoc nitong Biyernes, Oktubre 15 na napressure sa hashtag na LipatSamira.

Sa convention ng Ikaw Muna (IM) sa Batangas, kinumpirma ni Gutoc na apektuhan siya sa mga pambabatikos ng mga dati niyang supporters na nagpahayag ng pagkadismaya sa kanyang paglipat sa Aksyon Demokratiko.

“On Twitter po, which hindi ako masyadong naka-online, although nagmo-monitor ako. here was a trending na #LipatSamira and I acknowledge po those supporters ko na I was with Vice President Leni Robredo,” ani Gutoc.

“There were a lot of mental health effects on me sa online,” pag-amin niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Opisyal na sumali si Gutoc sa senatorial slate ni Manila Mayor Isko Moreno sa ilalim ng Aksyon Demokratiko noong Agosto 13.

Kabilang si Gutoc sa walong senatorial candidates ng Liberal Party or mas kilala bilang "Otso Derecho" noong 2019.

Sinabi ni Gutoc na siya pa rin ang Samira na matapang at may prinsipyo.

“So I hope that this kind of platform (social media) would reach my former supporters. Hindi po ako nag-iba. Hindi po ako kumalas sa paniwalang para sa tao ang dapat mauna," aniya.

“I remain the Samira na matapang.”