Isang Angkas rider at kasama nitong babae ang inaresto ng mga awtoridad matapos masamsaman ng tinatayang 300 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng₱2,040,000 sa ikinasang buy-bust operation sa Pasay City, nitong Oktubre 15.
Ang mga suspek ay kinilalang sinaEmmanuel Bartolome, alyas "Jonjon", 42, at taga-3793 J. Correa St., Brgy. Baclaran, Parañaque City atEliza Aurelio, alyas "Dang", 35, call center agent, at taga-3779 J Correa St., Brgy. Baclaran sa nasabing lungsod.
Sa report ng pulisya, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group at Pasay City Police sa harapan ngMarbella 1 condominium building sa Service Road, Roxas Blvd., Pasay City na ikinaaresto ng dalawa, dakong dakong 11:45 ng gabi.
Narekober kina Bartolome at Aurelio ang nasabing halaga ng iligal na droga, dalawang cellphone at marked money
Sasampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Bella Gamotea