CAMP MARCELO A. ADDURU, Tuguegarao City - Sumurender sa pamahalaan ang anim na miyembro ng New People's Army (NPA) sa Isabela at Nueva Vizcaya, kamakailan.

Sa pahayag ni Major General Laurence Mina, 5th Infantry Division (ID) commander ng Philippine Army (PA), ang unang limang sumuko nitong Oktubre 14 ay pawang kaanib ng Regional Sentro de Grabidad (RSDG) ng Regional Operations Command sa ilalim ng Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV).

Isinuko rin ng mga ito kanilang mga armas sa 95th IB, 502nd IB (502IBde), at Police Regional Office 2 (PRO2) sa Ilagan City, Isabela.

Kabilang din sa sumurender sa Nueva Vizcaya ang isa ring dating medical officer ng West Front Committee, Komiteng Probinsya (KOMPROB) Cagayan, nitong Oktubre 15.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Nangako rin ang gobyerno na tutulungan nila ang mga ito na makapagbagong-buhay, kapiling ang kani-kanilang pamilya, sa pamamgitan ng pagbibigay ng financial assistance at pangkabuhayan.

Liezle Basa Iñigo