Bilang pagsuporta sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya, suspendido pa rin ang ipinatutupad na truck ban sa Metro Manila, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ipinaliwanag ng MMDA na layunin nito na magtuluy-tuloy ang paghahatid ng kargamento, lalo na ang mga may kargang medical supplies na kailangan na kailangan sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019.

Sa abiso ng MMDA, ipinaiiral naman ang uniform light trucks ban sa EDSA mula 5:00 ng madaling araw hanggang 9:00 ng gabi; at mula 6:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga naman sa Shaw Boulevard at 5:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi sa nasabi ring kalsada.

Pinapaalalahanan naman ng ahensya ang mga truck driver na sumunod sa mga regulasyon at manatili lamang sa itinalagang lane upang hindi maging magulo ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Metro

Mahigit ₱27M shabu mula South Africa, nakumpiska sa NAIA

Bella Gamotea