Muling naglabas ng panibagong content si Chris de Vera nitong Biyernes, Oktubre 15, kasunod ng inungkat nitong accomplishment ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa official website nito.

Nitong Huwebes kasi, inakala ng content creator na ang nakalagay na listahan ng accomplishments sa website ni Bongbong ay sa dating senador. Sa katunayan, ilang mga personalidad na nag-uwi ng parangal pala ang mga ito habang naglilingkod bilang gobernador ng Ilocos Norte si Bongbong.

“I’m guessing a lot of people also thought the same way based on what was presented on the website. One hundred percent honest to goodness, I really thought he was our Little Milo Champ,” sabi ng content creator.

“There was no name of any other athlete. It was wrong for me to assume that all of the awards on the politician's personal website have to be his own,” dagdag na paliwanag ni de Vera.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Paliwanag din nito sa nakasaad na subtitle sa page kung saan nakalagay ang “Awards and citations received by the Provincial Government of Ilocos Norte during BBM's term as Governor,” “I was not able to read. It wasn’t that readable kasi.”

Dagdag ni de Vera, sa kanyang karanasan umano, hindi na dapat ilakip ang mga accomplishments na hindi sa kanya.

Gayunpaman, inamin nitong hindi nga niya nakuha ang konteksto ng listahan sa page.

“Ako lang ang mahina ang reading comprehension,” pag-amin ni de Vera.

“So again, for the record, I am saying I am wrong. I am sorry. Ferdinand Jr. was not the Milo Little Champ of 2001,” sabi ng Tiktoker.

Samantala, nananatiling naka-upload pa rin ang unang video kaugnay ng kontrobersyal na accomplishment na nasa 187k views na sa pag-uulat.