Pinangalanan na ni Vice President at presidential aspirant Leni Robredo ang 11 kandidato sa opposition senatorial slate para sa May 2022 polls nitong Biyernes, Oktubre 15.

Kabilang sa listahan sina: Dating Senador Antonio Trillanes IV, Senador Risa Hontiveros, Senador Leila de Lima, human rights lawyer Jose Manuel ‘Chel’ Diokno, dating Ifugao representative Teodoro Baguilat Jr., Alex Lacson of Kapatiran Party, Senador Richard Gordon, Senador Juan Miguel Zubiri, Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero, Senador Joel Villanueva, at dating bise presidente Jejomar Binay.

Binubuo ang senatorial slate ng mga kaalyado, isang dating bise presidente at senador, kasama ang ilan sa mga kalaban na naging kaalyado.

“This is just consistent (with) what we have been pushing for a very long time already even during the time that I wasn't a candidate yet and I wasn't planning to run yet for the presidency, kabahagi na ito ng ating pinaghihirapan– to unify as many people as possible coming from diverse backgrounds hindi lang sa politika pero paminsan kahit sa paniniwala,” ayon sa bise presidente.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“And that’s the reason why I run as an independent. Yung panaginip talaga namin mailagay sa isang samahan yung mga handang makiisa," dagdag pa niya.

Hindi pa napapangalanan ang ika-12 senador dahil nasa proseso pa sila sa pagpili sa limang nominado.

“Ayaw naming i-rush kasi yung pagpipilian naman ay nakapaghain naman ng certificate of candidacy. It’s just a matter of choosing who among them. Kailangan iproseso, ayaw naming madaliin," ani Robredo. 

Kinumpirma ni Robredo na pinagpipilian niya sina dating Rep. Neri Colmenares ng Bayan Muna at Sonny Matula ng Nagkaisa at ang Federation of Free Workers.