Hindi maikakailang may hatak ang batang Marcos sa "Gen Z" sa muling tangkang comeback ni Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Palasyo sa darating na Halalan 2022.

Sa video-sharing site na Tiktok, patok ang ilang videos ni Sandro sa mga Gen Z. Sa katunayan, umabot na sa 100,000,000 ang bilang ng #SandroMarcos sa social media site habang wala pang official account ang batang Marcos sa naturang platform.

Sabay ng muli na namang election season ang pagiging laman ng limelight ng mga kilalang personalidad sa larangan ngpolitika.Hindi exempted dito ang isang Sandro Marcos na nagmula sa isang kilalang angkan sa bansa.

Matatandaang naghain ng kandidatura bilang congressman ng first district ng Ilocos Norte si Sandro Marcos nitong Oktubre 7, Huwebes.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ngunit bago pa muling uminit ang usapin sa politika, sino nga ba ang binatang Marcos?

Buhay, edukasyon ni Sandro Marcos

Si Sandro Marcos o Ferdinand Alexander Araneta Marcos, 27, ang panganay sa tatlong anak ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Atty. Liza A. Marcos.

Larawan mula sa website ni Sandro Marcos

Laking Ilocos Norte, sinimulan ni Sandro ang kaniyang edukasyon sa Kids Kollege, Inc at Padre Annibale School sa bayan ng Laoag.Taong 2006 nang lumipad ang batang Sadro sa United Kingdom atipinagpatuloynito ang kanyang pag-aaral sa Worth School, isang eskwelahan sa loob ng Worth Abbey, isang Benedictine Monastery.

Mula 2013, pumasok sa University of London si Sandro kung saan tinapos nito ang kursong Bachelor of Science in International Politics noong 2016.Hindi pa nagsara sa kolehiyo ang interes ni Sandro sa edukasyon sapagkat sunod nakuha agad nito ang kanyang Master’s Degree in Developmental Studies sa London School of Economics and Political Science, isang taon matapos makuha ang kanyang undergraduate program.

Samantala, laman din ng social media ang mga larawan ni Sandro kung saan tila “matinee idol” kung purihin ng ilang netizens ang angking kagwapuhan ng batang Marcos. Sa katunayan, ilang netizens din ang nag-aabang sa romantic life ni Sandro kung saan pabirong saad ng iba'y handa silang pumila para sa binata.

Samantala, maliban din sa kasikatan na natatamo ni Sandro, damay din ang dalawang kapatid nitong sina Joseph Simon Marcos, at William Vincent Marcos, na laman din sa mga social media sites kabilang ang Tiktok. Ilang kababaihan online din ang masugid na sinusundan ang mga kapatid ni Sandro. 

Romantic life ni Sandro

Bagaman pribado pa rin ang ilang detalye sa buhay ni Sandro. Ilang Tiktok contents naman ang kamakailan ay nagbigay ng ilang pangalang may kaugnayan umano kay Sandro. Kabilang na rito ang isa raw beauty queen at artist na ilang beses nang prinotektahan ng binata sa kanyang fans. Masugid umanong taga-like ng mga Instagram posts ng dalaga at isang beses pa'y nagkomento si Sandro na pinupuri ang ganda nito. Usap-usapan sa comment section ng misteryosong post ang pangalang "Alexandra."

Nauna ring lumitaw ang pangalang Samantha Sadwani kung saan laman ng ilang Tiktok videos ang umano'y ilang larawang ni-like ni Sandro sa Instagram. 

Usapin at isyu kaugnay sa batang Marcos

Sa kabilang banda, hindi rin naiwasan ni Sandro ang ilang kontrobersyang kinahaharap ng kaniyang tanyag na pamilya. Kagaya ng ipinupukol ng ilang human rights advocate, mamamahayag, at historyador sa kanyang ama na si Bongbong, tila dikit din kay Sandro ang kasaysayan na ginawa ng kanyang lolo na si Ferdinand Marcos Sr.

Nitong lang Oktubre 5, nauwi sa protesta ang isang student congress tampok sana si Sandro. Ilang estudyanteng dumalo sa online event ang sumunggab sa opurtunidad at binatikos ang pamilyang Marcos sa umano'y tangka nitong "history revisionism."

Ang lolo ni Sandro na si Ferdinand Marcos Sr. ang nagdeklara ng 1972 Martial Law. Tinagurian itong "darkest chapter in Philippine history."

Samantala, matatandaang naging laman din ng balita si Sandro noong Halalan 2016, unang beses na bomotosi Sandro matapos dalawang Pangulo sa balota ang nabilugan nito dala ng nerbyus.