Hindi pa rin pinapayagan ang paglalaro ng basketball sa ilalim ng alert level 3 sa National Capital Region (NCR) ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

"Noong binasa ko po kanina [yung guidelines], pupuwede lang iyan (basketball) kung bubble-type at saka mayroong relevant guidelines adopted by the IATF, the Games Amusement Board (GAB) at iba pa, iyong approved ng LGU (local government unit)" ani Roque.

Hindi pinapayagan ang kahit anong contact sports sa ilalim ng revised guidelines, "except those conducted under a bubble-type setup as provided for under relevant guidelines adopted by the IATF, [GAB], and Philippine Sports Commission (PSC), and approved by the LGU [local government unit] where such games shall be held."

Ang ALS ay ipinatutupad lamang sa NCR.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ellson Quismorio