Isang araw matapos ang mabilis na pagkalat ng umano’y isang “accomplishment” ng dating senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula kanyang opisyal na website, Huwebes, Oktubre 14, burado na ito ngayong Biyernes.

Nag-ugat ang diskurso sa isang “accomplishment” ni Bongbong matapos gawan ng isang content creator na si Chris de Vera sa video-sharing site na Tiktok ang partikular na “Certificate of Achievement” sa katergoryang “Governor” sa website nga ng dating senador.

Sa listahan, nakasaad ang ilang achievements kabilang na ang “2001 Milo Little Olympics Champion – Grade School Division” na pinuntirya ng content creator.

“I think, it’s really impressive that at the young age of 44, he was still able to join the Milo Little Olympics. And not only joined but became the taekwondo champion. And don’t forget! He was doing all of these when he was governor. So I think, ‘Wow!’” tila pabirong sabi ni de Vera.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“So if he can edit, fabricate small things like Little Milo Olympics certificate, what more his school diploma, the bills he’s written, or anything really on his website. So let’s be smart, let’s double-check thing,” may lamang sabi ni de Vera.

Matatandaang isa sa mga pinupukol na kontrobersya kay Bongbong ang umano'y pekeng diploma nito na sana'y mula sa Oxford University.

Samantala, makikita naman sa website ang nakasaad na “Awards and citations received by the Provincial Government of Ilocos Norte during BBM’s term as Governor” kaya naman inulan ng batikos ang content creator kasunod ng malisyusong content na ito.

Kabilang sa mga naglabas ng saloobin ang mainstay panelist sa in-depth talk show na Bottomline, si Mike Acebedo Lopez.

“Thing is, the kid didn’t read the introduction on the specific website category before the subcategories (that include Sports) which clearly says: ‘Awards and citations received by the PROVINCIAL GOVERNMENT of ILOCOS NORTE during BBM's term as Governor,’” litanya ni Lopez.

“That’s why, folks, it’s important to read before we react… and decide to devote an entire video thinking we’ve stumbled across an explosive exposé. Lol” dagdag niya.

Kung bibisitahin ngayon ang website ngyaong Biyernes, Oktubre 15, burado na ang mga nakalistang achievements sa kategoryang “Sports.”

Sa halip, nakalagay na rito ang isang advisory.

“We’ll be back! Thank you for your feedback. We are currently making this information more comprehensive and easier to understand.”

Larawan mula sa opisyal na website ni Bongbong Marcos

Hindi naman nagbigay ng reaksyon ukol sa usapin si BBM.