Nasa kustodiya na ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Indian matapos madakip sa Barangay Don Bosco, Parañaque City, nitong Huwebes.

Ayon kay Parañaque City Police chief, Col. Maximo Sebastian, hindi na nakapalag niSuresh Basapa Puri, may mga alyas na "Satish Shekhar Pai" at "Suresh Pujari" nang arestuhin ngParañaque City Police Intelligence Section, Fugitive Search Unit Bureau of Immigration (FSU-BI), at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP)sa tinutuluyan nito saChateau Elysee, Dona Soledad, dakong 4:00 ng hapon.

Kinumpirma ni Sebastian na undocumented alien ang suspek at patuloy na nagtatago sa bansa simula nitong Setyembre 20 ng taon.

Banta umano ito sa seguridad ng bansa batay na rin sa liham na ipinadala sa bansa ni Joshua Farlow ng US Department of Justice-Federal Bureau of Investigation (FBI).

National

Abante, laging inaaya ng golf ni Acop: 'I guess we have to play golf up in heaven!'

Nakatakdang pabalikin ito sa kanyang port of origin dahil na rin sa paglabag nito sa batas ng Pilipinas.