Nasa kabuuang €800,000 o P47 milyong ayuda ang ilalagak ng Europian Union (EU) sa Mindanao upang matagunan ang epekto ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ayon sa pahayag ng EU, ang pondo ay makakatulong sa nasa 70,000 katao na apektado pa rin ng pandemya sa Timog bahagi ng bansa.

“The unprecedented surge in COVID-19 cases threatens the lives and livelihoods of many in the Philippines, especially those living in remote areas like Mindanao where access to medical care can sometimes be limited,” ani Commissioner for Crisis Management, Janez Lenarčič.

“This funding from the EU will ensure vulnerable and marginalised people receive vital health support to go through this difficult time,”dagdag ng opisyal.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Masusuportahan din ng naturang pondo ang mga programang nakalatag na sa Mindanao kabilang ang Action Against Hunger, CARE International, at Oxfam International, maging ang programa ng pagbabakuna sa malalayong lugar sa rehiyon.

Sabi ni Lenarčič, bibigyan-tuon ng ayuda ang pagsasaayos sa kalinisan sa katawan at sa paligid habang sinisiguro na naihahatid ang tamang impormasyon ukol sa bakuna.

Dagdag pa ng EU, dapat bantayan ang Mindanao dahil sa mahina nitong kalidad ng healthcare system dahilan para maging bulnerable ang ilang sektor kagaya ng mga bakwit, indigenous communities, may kapansanan, mga matatanda at marginalized sectors.

Ellson Quismorio