Bilang pagkilala sa kahalagahan ng mental na kalusugan ng mga estudyante, guro at mga non-teaching personnel, naglunsad ang Department of Education (DepEd) ng magkakasunod na programa alinsunod sa 2021 National Mental Health Week.

Nagsimulang maglunsad ng ilang virtual activities sa pagdiriwang ng 2021 National Mental Health Week noong Oktubre 11 at magtatapos ito sa Oktubre 16.

“While we have consistently conducted Mental Health and Psychosocial Services for our stakeholders during this pandemic, we recognize that looking out for everyone’s mental state is a continuous process,” ani Education Secretary Leonor Brionesna nais masiguro ang kalagayang mental ng buong akademya.

Sa temang “Mental Health Care for All: Let’s Make it a Reality,” hinikayat ng ahensya ang mga field offices na maging bahagi sa Central Office-based events at maglunsad din ng mga sariling programa bilang pagsuporta sa inisyatiba.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Sa loob ng isang linggo, naglabas ng DepEd Mental Health Care Videos ang ahensya para bigyang-punto ang mensahe at silbi ng tema ng selebrasyon.

Sa social media, naglabas ng content series ang DepEd tampok ang ilang mental health journey ng ilang kawani ng ahensya.

Ang selebrasyon ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 452, s. 1994 na nagdedeklara sa bawat ikalawang linggo ng Oktubre bilang National Mental Health Week.

Merlina Hernando-Malipot