Sinorpresa ng Netflix Philippines ang aktor na si Carlo Aquino matapos padalhan ito ng 'Squid Game' suit o jacket at pants ng laro.

"Better late than never! Thanks @netflixph for the surprise," caption ni Aquino sa kanyang Facebook post.

Matatandaan na isa dapat si Aquino sa mga cast ng series ngunit hindi siya nakalipad patungong South Korea dahil sa travel restrictions dulot ng COVID-19.

“Dear Carlo, Thank you for your efforts. Looking forward to working with you in the near future,” saad ng direktor na ini-story ni Aquino sa kanyang Instagram.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Basahin: Carlo Aquino, nanghihinayang na hindi napasali sa ‘Squid Game’

Sa teorya ng fans, magkakaroon ng season 2 ang Squid Game matapos ito mag-iwan ng cliffhanger ending.

Sa ending, ipinakita ng bidang si Seong Gi-hun, na ginanapan ni Lee Jung-jae, na imbes na puntahan ang anak sa America ay pinili nitong harapin ang tao na nagre-recruit para sa bagong 'Squid Game.'

Isa pa sa teorya ng fans ay buhay ang police officer na si Hwang Jun-ho na ginanapan ni Wi Ha-joon. Ayon sa mga fans, buhay pa si Jun-ho sa series dahil hindi naman ito pinakitang namatay matapos barilin ng kanyang kapatid na siya namang facilitator ng palaro.

Dagdag pa ng fans, lalabas si Jun-ho bilang isang player sa Squid Game sa season 2 upang harapin ang kapatid nito.

Gayunpaman, wala pang opisyal na anunsyo mula sa direktor ng series na si Hwang Dong-hyuk kung magkakaroon ng season 2 ang Squid Game.

Samantala, inanunsyo ng Netflix na umabot na sa 111 milyon ang streaming views ng Squid Game — kasalukuyang no. 1 sa Netflix.

"Squid Game has officially reached 111 million fans — making it our biggest series launch ever!" pahayag ng Netflix sa Twitter account nito.