Walang naiulat na adverse event matapos ang pagbabakuna sa mga batang may comorbidities sa Philippine General Hospital (PGH) nang inilunsad ng gobyerno ang pediatric vaccination nitong Biyernes, Oktubre 15.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario na 12 pediatric patients na may comorbidities na may edad na 12 to 17 ang lumahok sa ceremonial launch ng vaccination sa mga bata sa kanilang ospital.

“So far, so good. Meron kaming system in place,” ani Del Rosario.

“Napansin ko talagang maingat ngayon. Medyo deliberately mabagal siguro para talagang maalis namin ang pangamba ng mga magulang," dagdag pa niya.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sinabi rin ni Del Rosario na may mga bata ang takot sa injections.

“Parang kinakabahan pa din sa tusok yung mga bata… pero nandun ang mga magulang to assure them ," aniya.

Isa ang PGH sa napiling walong ospital sa Metro Manila para sa pilot implementation ng vaccination sa mga menor de edad na may comorbidities.

Kabilang sa walong ospital:Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, Pasig City Children’s Hospital, Fe Del Mundo Medical Center, St. Luke’s Medical Center (Bonifacio Global City), at Makati Medical Center.

Samantala, magbibigay ng detalye ang Department of Health (DOH) kung ilang mga batang may comorbidities ang nakatanggap ng kanilang first dose sa unang araw ng vaccination rollout para sa mga menor de edad.

“Magbibigay po tayo ng karagdagang impormasyon at iba pa pong documentations in the coming days para sa inyong lahat.We still do not have that data right now," ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Maybe after one week, we can give you a rundown of how many children were vaccinated based on the number of patients that we have in that specific hospital,” dagdag pa niya.

Analou de Vera