BACOLOD CITY-- Patay ang labing-isang Shih Tzu dogs, kabilang ang mga puppies matapos makulong sa isang kwarto habag nasusunog ang three-storey building sa Tindalo Street sa Bgy. Villamonte nitong Huwebes.

Ayon kay Fire Chief Insp. Rodel Legaspi, city fire marshal, ilang sa mga aso ay nasa loob ng kulungan nang magkasunog dakong alas-11 ng umaga.

Sinabi ni Legaspi na nasa baba ang mga may ari ng bahay nang maganap ang sunog, isang kwarto lamang ang nasira.

Dagdag pa ni Legaspi, ang posibleng naging sanhi ng sunog ay ang nakasaksak na water heater sa defective outlet.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Hindi kumalat ang apoy sa iba pang bahagi ng building na gawa sa concrete materials.

Walang naitalang sugatan. Naapula ang sunog dakong alas-12:10 ng tanghali. 

Tinatayang nasa P100,000 ang halaga ng napinsala ng sunog.

Glazyl Masculino