I-eendorso ni presidential aspirant Senador Emmanuel "Manny" Pacquiao ang mga senatorial candidates mula sa iba't ibang political parties para sa 2022 elections.
Sa isang panayam sa ABS-CBN News Channel nitong Biyernes, Oktubre 15, iniisa-isa ni Pacquiao ang senatorial line-up para sa eleksyon sa susunod na taon.
Kabilang sa inisyal na listahan ang mga guest candidates:Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri (Independent);
Sen. Joel Villanueva (Independent);
Dating senador at incumbent Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero (Nationalist People’s Coalition);
Dating senador at incumbent Antique Representative Loren Legarda (Nationalist People’s Coalition);
Dating bise presidente Jejomar “Jojo” Binay (United Nationalist Alliance); and
Broadcaster Raffy Tulfo (Independent).
Sa magkahiwalay na press briefing, binanggit ni Pacquiao si reelectionist Senador Richard "Dick" Gordon (Bagumbayan Movement), maging si labor leader Elmer Labog (Makabayan Coalition), ang human rights lawyer Neri Colmenares (Makabayan Coalition).
Kabilang din sa kanilang Senate slate ay sina dating Senate secretary Lutgardo Barbo, na isang lone candidate ng kanilang faction sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).
“Naniniwala po tayo sa kanyang kakayahan, sa kanyang experience pagdating sa pagseserbisyo sa taong bayan. At naniniwala siya sa programa natin na tunay na pagbabago at sugpuin ‘yong korapsyon," ayon kay Pacquiao.
Tatakbo bilang presidente si Pacquiao at running mate niya si BUHAY Partylist Rep. Lito Atienza.
Vanne Elaine Terrazola