Bunsod ng sunud-sunod na malakihang pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo sapul noong Enero sa gitna ng pandemya, nais alamin ng House Committee on Transportation kung bakit nagkakaganito.
Sa pagdinig, sinabi ni Committee Chairman Rep. Edgar Mary Sarmiento (1st District, Samar) na labis ang pinsala ang ginagawa ng oil price increase sa public transport sector.
Dahil dito, hiningan niya ng mga solusyon sa problemang ito ang Department of Transportation (DOTr) at Department of Energy (DOE). DOE- Oil Industry Management Bureau (OIMB).
Inamin ni Director Atty. Rhino Abad na ang pump price ng gasolina ay halos nasa P20 mark na. Ang presyo aniya ng gasolina ngayon ay P17.85 per liter; diesel, P16.50 per liter; kerosene, P14.19 per liter; at LPG, P20.24 per kilogram.
Sinabi naman ni Transportation Assistant Secretary Steve Pastor na kinikilala ng DOTR ang isyu ng oil price hikes at nakikipag-ugnayan na sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tungkol sa mga remedyo na ipatutupad sa lalong madaling panahon.
Umapela si Pastor ng tulong sa Kongreso para sa pagpopondo sa Service Contracting Program (SCP) na magbibigay ng biyaya at ayuda sa public utility drivers. Ang SCP ay walang pondo sa ilalim ng 2022 General Appropriations Bill (GAB).
Bert de Guzman