Pinuri ni senatorial candidate Samira Gutoc si Nobel Peace Prize awardee Maria Ressa, na aniya ay hindi naman imposible sa naturang journalist, ayon sa kaniyang tweet nitong Oktubre 13, 2021.

Aniya, "Hindi nakapagtataka na maging Nobel Peace Prize awardee si Maria Ressa. Tayo ay saksi sa kanyang pagiging mahusay na mamamahayag at katapangan sa paglalahad ng katotohanan."

"Congratulations, Maria!"

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Samira Gutoc/Larawan mula sa Twitter

Ibinahagi niya ang tweet ng mismong award-giving body noong Oktubre 8.

"BREAKING NEWS: The Norwegian Nobel Committee has decided to award the 2021 Nobel Peace Prize to Maria Ressa and Dmitry Muratov for their efforts to safeguard freedom of expression, which is a precondition for democracy and lasting peace. NobelPrize #NobelPeacePrize."

Si Samira Gutoc ay nasa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko.