Opisyal nang sisimulan ng gobyerno ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa mga batang may edad 12 hanggang 17 na may comorbidities sa Biyernes, Oktubre 15.

Gaganapin ang pagbabakuna sa mga bata sa mga piling ospital sa Metro Manila, ayon sa Department of Health.

Ang mga kabilang na ospital:National Children’s Hospital sa Quezon City, Philippine Heart Center sa Quezon City, Pasig City Children’s Hospital, Fe Del Mundo Medical CentersaQuezon City, Philippine General HospitalsaManila, Makati Medical CentersaMakati City, St. Luke’s Medical CentersaTaguig City, and Philippine Children’s Medical CentersaQuezon City.

Nitong Oktubre 4, inilabas ng DOH ang listahan ng mga comorbidities sa mga batang may edad 12 hanggang 17 na bibigyan prayoridad para COVID-19 vaccination.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kabilang sa listahan ang mga batang mayroong:medical complexity, genetic conditions, neurologic conditions, metabolic/ endocrine, cardiovascular disease, obesity, HIV infection, tuberculosis, chronic respiratory disease, renal disorders, at hepatobiliary.

Dalawang brand lamang ng COVID-19 vaccine ang gagamitin-- Pfizer-BioNTech at Moderna. Ang mga bakunang ito ay may emergency use ng Philippine Food and Drug Administration para sa 12 hanggang 17 age group.

Nagpahayag ng suporta ang World Health Organization nitong Huwebes, Oktubre 14 sa pagsisimula ng pediatric vaccination sa Pilipinas.

“WHO strongly supports this as it is a SAGE (Strategic Advisory Group of Experts) recommendation–adolescents between 12 to 17 years who have comorbidities. We are encouraging them to be included in the primary group of vaccinations for vulnerable population. So, we support this,” sinabi ni WHO Country Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe sa Malacanang press briefing.

Sa press briefing noong Oktubre 4, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga batang may comorbidities ay kailangan ng medical certificate mula sa kanilang physicians bago makatanggap ng COVID-19 vaccine.

Kailangan din ang informed consent ng parent/guardian at ng bata, ayon sa opisyal ngPediatric Infectious Diseases Society of the Philippines (PIDSP).

“Kapag pumunta po sila sa vaccination site, dapat iyong bata, iyong teenager kasama niya iyong kaniyang magulang o ng kaniyang legal guardian. Iyong legal guardian po niya ang papaliwagan at bibigyan ng information tungkol sa bakuna at siya ang pipirma ng consent," ayon kay PIDSP member Dr. Drew Camposano.

“Iyong bata naman, siya ay bibigyan din ng information at kung siya ay papayag, siya ay pipirma ng assent….So, mayroon pong kailangang pirmahan, both silang dalawa," dagdag pa niya.

Ayon pa kay Camposano, kailangan obserbahan ang mga nabakunahang bata ng hindi bababa sa 15 minutos hanggang 30 minutos.

“Kung wala naman puwede na siyang umuwi, pero bibigyan din naman sila ng mga instructions kung ano iyong kailangan nilang bantayan. Kung ano iyong mga possible na side effects, kung sino ang puwedeng nilang tawagan kung ma-experience nila ang mga ito…Katulad din po ng ginagawa natin sa older people," aniya.

Analou de vera