Nananatili pa ring suspendido ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme na ipinatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) habang pinapairal ang Alert Level 3 quarantine classification sa Metro Manila simula Oktubre 16 hanggang Oktubre 31.

Bagamat bumababa na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, hindi pa rin balik sa normal na operasyon ang mga pampublikong transportasyon kaya hindi pa nararapat na ipatupad muli ang number coding, ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos.

Ayon pa sa MMDA,sa ilalim ng Alert level 3, mas maraming negosyo, aktibidad at establisimyento ang pinapayagang magbukas para sa mas mataas na kapasidad. 

Paalala ng ahensya sa publiko kahit saan magpunta, patuloy pa rin sundin ang health protocols upang mapangalagaan ang sarili, pamilya, at ang komunidad laban sa COVID-19.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bella Gamotea