SADANGA, Mt. Province – Natimbog ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera, ang isang Mayoralty candidate ng bayan ng Sabangan, Mt.Province at pito pang drug personalities sa pagpupuslit ng P20.7 milyong dried marijuana sa magkahiwalay na operasyon sa Sadanga, Mt.Province.

Nabatid kay PDEA Regional Director Gil Castro, si Sonny Kidit Kalaw, 36, nakatira sa Bgy. Data, Sabangan, Mt. Province ay dating PNP Manila, pero ito ay AWOL at kandidato sa pagka-Mayor ng Sabangan para 2022 election.

Ayon kay Castro, si Kalaw kasama ang apat na kasabwat na sakay ng black Toyota Hi-ace Grandia van na may plakang POF 950 ay nasakote ng anti-narcotics operatives dakong alas 7:30 ng umaga ng Oktubre 13 sa may Sitio Oowayen, Barangay Poblacion, Sadanga, Mountain Province.

Kinilala ang apat na sina Jonathan Fomanos Abella, 37, ng Barlig, Mt.Province; Jeric Arzadon Sansano, 30, ng Bgy. Fuyayeng, Bontoc, Mt Province; Samson Amiling Damaso, 28, ng Bgy. Samoki, Bontoc, Mt Province at isang 17-anyos na lalaki na mula sa Tadian, Mt. Province.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakumpiska sa kanilang sasakyan ang 19 na piraso ng bricks ng dried marijuana leaves na may timbang na 19 kilograms at may Standard Drug Price na P2,280,000; isang weighing scale, assorted IDs,16 fired cartridges for 9mm at 9 live ammos for 9mm.

Ayon pa kay Castro, madaling-araw noong Miyerkules ay unang nasakote sa checkpoint ang tatlong drug personalities sa may Sitio Ampawilen, Poblacion, Sadanga, Mountain Province.

Kinilala ang mga nadakip na sina Jorge Tomaldong Eyawon, 34; Dario Di-wean Diway, 23 at Jake Caesar Bulosan Linchangan, 19, pawang taga Cudal, Tabuk City, Kalinga.

Ang mga suspek ay lulan ng kulay gray Nissan Almera with conduction sticker F4 I137 at narekober sa loob ng sasakyan ang 148 pcs bricks dried marijuana leaves at 6 pcs in tabular form na naglalaman ng dried marijuana stalks at leaves with fruiting tops, na may kabuuang timbang na 154,000 grams at may Standard Drug Price na P18,480,000.

Zaldy Comanda