May bagong ikinahihiya umano ang aktres na si Julia Barretto.
Ipinakilala kasi siya ng Viva Television bilang 'Drama Princess Royalty of the Century' sa mismong media conference na ginanap nitong Oktubre 13, kaugnay ng pinagbibidahang teleserye 'Di Na Muli' na napapanood sa TV5, kasama ang mga hunk actors na sina Marco Gumabao at Marco Gallo.
Bagama't grateful at flattered naman si Julia sa bansag na ito sa kaniya, medyo naja-diyahe pa siya dahil parang ang bagets pa niya para tawaging 'Drama Princess Royalty of the Century'.
"Nahihiya ako. Nakakahiya yung century (100 years), ang bagets ko pa rin eh, 24… bagets pa ako, pero nahihiya ako," wika ni Julia.
"I'm flattered. I'm grateful, and I don't know… nahihiya ako. Parang there is so much work I should be doing but I'm grateful for that. Thank you kasi parang, kumbaga, na-recognize din ako in some way or another."
Inamin ni Julia na pagdating sa aktingan, idolo niya ang kaniyang tiyahin na si Claudine Barretto na minsan nang naging isa sa mga reyna ng soap opera sa ABS-CBN dahil sa dami ng mga pinagbidahan nito, gaya ng 'Mula sa Puso', 'Saan Ka Man Naroroon', 'Sa Dulo ng Walang Hanggan', 'Ikaw ang Lahat Sa Akin', at 'Iisa Pa Lamang'.
Mukhang sinusundan ni Julia ang yapak ng kaniyang Tita Claudine na tinatawag namang 'The Optimum Star'.