Biro lang umano ang naunang pahayag ni Pangulong Duterte na bakunahan ng tulog ang mga taong ayaw magpabakuna laban sa COVID-19, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Alam na po natin ang sagot diyan. Joke only naman po,” giit ni Roque.

“Si Presidente naman po, habang nagta-talk to the people, gusto mapatawa ang sarili niya. Joke po ‘yun,” dagdag na pahayag nito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Matatandaang, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa mga awtoridad na hanapin ang mga indibidwal na nagmamatigas pa rin na ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 at bakunahan ang mga ito habang natutulog.

“Alam kong marami pang ayaw. ‘Yan ang problem, ‘yung ayaw magpabakuna. Kaya hanapin ninyo ‘yan sa barangay ninyo. Akyatin natin pagtulog at turukan natin habang natutulog para makumpleto ang istorya,” pahayag ng Pangulo sa kanyang Talk to the People.

“Kung ayaw, akyatin sa bahay, tusukan sa gabi. Ako ang mag-ano…turok sa kanila,” wika ng Pangulo.

Sinabi naman ni Vince Dizon, Deputy Chief implementor of the National Task Force Against COVID-19, na nananatili pa rin ang COVID-19 vaccine hesitancy sa far-flung areas o malalayong lugar.

Kaya naman suhestyon ni Dizon na kailangan na paigtingin ang information drive upang maipabatid sa mga tao na binabawasan ng bakuna ang tsansa ng pagkahawa o makakuha ng severe case ng COVID-19 gaya na rin sa datos na mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Base sa FDA records, mayroong 516 breakthrough infections sa hanay ng fully vaccina­ted individuals sa buong bansa.

Beth Camia