Mukhang balak sagutin ni Kapuso actress Heart Evangelista o Love Marie Escudero sa tunay na buhay, ang wedding dress ng isang follower sa Twitter, batay sa kaniyang latest tweet.

Tinag kasi siya ng isang Twitter user na nagtanong kung baka may luma siyang dress at shoes na puwedeng mahiram o hingin para sa kaniyang civil wedding.

"Ms. Heart, baka may luma ka dress and shoes for civil wedding ko sana next month," ayon sa tweet ng naturang follower.

Sagot naman ni Mrs. Escudero: "What is your size?" na hindi naman natukoy kung dress, shoes, o pareho.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Screengrab mula sa Twitter/LoveMarie O. Escudero

Hindi naman tiyak kung seryoso ba si Heart dahil wala nang pag-uusap na naganap sa conversation thread, o kung nag-usap na sila ng naturang follower sa pamamagitan ng direct messaging o DM.

Samantala, dahil dito ay dumagsa naman ang mga humihingi rin ng tulong kay Heart gaya ng lumang make-up, lumang speaker, lumang brush, canvas, at kung ano-ano pa.

Kilala rin si Heart sa pagiging bukas-palad, matulungin at mapagbigay sa mga taong nangangailangan.