Ibinahagi ng isang Department of Health (DOH) hired volunteer ang nakakaantig na mensahe mula sa sulat na natanggap ng kanyang pasyente sa Philippine General Hospital.

Sa Facebook post ni Ara Dela Cruz, ikinuwento niya kung ano ang naging reaksyon at sagot ng kanyang pasyente sa sulat na natanggap mula sa kanyang asawa.

Sa sulat, "Di pa nagpunta si Jella dito. Wala akong pambili ng kailangan mo, wala na rin akong pambili ng pagkain dito."

“Kahit wag na po yung kailangan ko. Sya nalang po wala pong pera yon buong araw na po hindi kumakain yon,” ani ng pasyente na ipinilit makapagsalita.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Matapos ang pahayag ng pasyente, nagkaroon ng mabigat na reyalisasyon si Dela Cruz.

Aniya, "We’re so busy in our lives making progress, making money, making dreams. We tend to forget what we have now is more than enough."

Para sa kanya, maswerte ang iilan na ang problema lamang ay kakulangan ng pera upang makapag-check out ng mga nais nilang bilhin online, ngunit ang iba naman ay naghihikahos sa kung paano hahagilapin ang perang ipapambayad sa bill ng ospital at ipambibili ng makakain sa bahay.

Dagdag pa niya, maswerte ang iilan na buryo lamang ang kailangan. Samantala ang iba naman ay puno ng kalungkutan dahil sa pangungulila kinakailan nilang mapag-isa dahil sa sakit na COVID-19.

Ayon pa sa kanya, maswerte ang iilan na ang pino-problema lamang ay hindi kanais-nais na pagkakaluto ng inorder na pagkain. Samantala ang iba naman ni-hindi malasahan ang kinakain.

Aniya, maswerte ang iilan na ang problema lamang ay hindi kaya bumili ng air conditioner. Samantala ang iba naman sa ospital ay naghihikahos sa paghinga at papel na lamang ang ginagamit upang makaraos sa init dahil hindi sila kaya dalhan ng mga kamag-anak nito ni electric fan.

Kaya mensahe naman ni Dela Cruz para sa nakaluwag-luwag sa buhay, "Man, you are so blessed. Unlike you, other people are barely making it. So please give more kindness and love. And don’t forget to be grateful. Every day."