Inirerekomenda ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbibigay ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine booster shots para sa mga healthcare workers sa bansa. 

“Personally, I recommend booster shots for our healthcare workers. I'm pushing for it,” ayon kay Duque sa kanyang panayam sa ABS-CBN News channel nitong Huwebes, Oktubre 14.

Gayunman, base sa rekomendasyon ng mga vaccine experts sa bansa, dapat umanong makatanggap ng vaccine ang malaking populasyon.

 

National

Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang

“They are all saying that we have to ensure that a bigger percentage of the population must receive the primary series of vaccines. Thirty percent palang yung completed jab rate natin and about 33 or 34 percent ang nakakuha ng first dose," aniya.

sa huling datos nitong Oktubre 13, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na 23 milyon na indibidwal na ang fully vaccinated bansa. Ipinakikita nito ang 30.8 na porsyento ng target population para sa COVID-19 vaccination. 

“Marami pa tayong hindi pa nakakatanggap ni isa. So kung magbibigay ka ng booster dose sa healthcare workers—which I support—this will re-channel, parang ma-disenfranchise, mawala yung equity dun sa mga tao din na dapat mabigyan din ng proteksyon katulad ng mga matatanda. These are the high risk groups,” ani Duque.

Dagdag pa ni Duque, importanteng mabigyan ng bakuna ang mga matatanda at ang mga may comorbidities.

“Importanteng mabigyan natin ng proteksyon itong mga ito because diyan nanggagaling yung mga severe, critical, saka yung mga naa-ICU, saka mga namamatay," aniya.

Analou de Vera