Sa panahon ngayon, mahirap kumita ng pera. Kailangan kumayod sa araw-araw upang mapunan ang mga pangangailangan ng pamilya. 

Ika nga, itanim mo lang nang itanim ang mga naging paghihirap dahil lahat ay aanihin din sa tamang panahon.

Kilalanin natin si Daisy Bucad-Eng, isang dating tindera ng asin at domestic helper sa Hongkong noon, naging milyonarya na ngayon!

Tubong Mountain Province si Daisy at labing-anim na taon pa lamang siya nang magkaasawa at magkaanak.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Dahil sa murang edad, kailangan kumita ng pera ni Daisy kaya naman naisipan niyang magtinda ng asin sa Besao, Mountain Province. 

“Yung mga taga-Benguet ba talagang matakaw sila sa asin. Kasi isa pa sa mga baboy nila, sa mga baka," ani Daisy sa kanyang panayam sa October 10 episode ng ">Kapuso Mo, Jessica Soho

Ang kinikita lamang niya kada araw ay umaabot lang ng P100 hanggang P300.

Hindi sapat ang kanyang kinikita kaya katulad ng mga ginagawa ng kanyang mga kapitbahay, naisipan din niyang mamasukan sa Hongkong.

Ngunit sadyang naging maalat ang tadhana sa kanya, dahil hindi siya pinalad sa kanyang unang amo.

“Hindi ko na nakayanan. Dalawang oras lang ang tulog mo, tatlong oras. Kukulangin iyon, e.”

Gayunman, nakilala niya ang kanyang bagong amo na isang Portuguese na si Marie.

Ang naging sweldo niya bilang kasambahay noon ay 900 Hong Kong dollars o katumbas ng P2,700 kada buwan dito sa Pilipinas.

Mababa man ang sahod pero naging masaya si Daisy dahil itinuring siyang isang kapamilya ng kanyang amo.

Ayaw umano tumira ng among Portugues sa home for the aged sa Hong Kong kaya naman sumama ito kay Daisy pauwi ng Pilipinas na kung saan siya na mismo ang nag-alaga rito.

“Namamasyal kami doon sa Manaoag, lahat ng mga Catholic na simbahan,” kuwento ni Daisy.

Matapos ang labing-isang taong paninilbihan, taong 2002 nang bawian ng buhay si Marie dito sa Pilipinas.

Ani Daisy, "Wala na pala, Yung puso niya lumobo."

Ang mga labi ni Marie ay inuwi ng mga kamag-anak niya sa Hong Kong.

Isang araw may biglang dumating na sulat kay Daisy na tila bumaligtad ang kanyang mundo.

Kasama si Daisy sa last will and testament ni Marie.

Pinamanahan siya ng isang apartment na nagkakahalagang P26 million at perang P25 million.

Hindi makapaniwala si Daisy sa nangyayari.

Aniya, "Dinala kami sa executive room. Well-treated kami doon,"

"Totoo ba to?’ Parang may katotohanan na nga ito," dagdag pa niya.

Sa laki ng kanyang minana, nakapagpatayo ng five-storey building na may penthouse si Daisy sa Mountain Province.

Ang building din niya ay may mga transient houses, gyms, mga for rent spaces para sa commercial establishments at events place para sa kahit anong okasyon.

Bukod dito, nakabili rin siya ng bahay at plantasyon sa Mountain Province.

Bilang pag-alala sa among si Marie, nagpagawa si Daisy ng isang memorial statue sa kanyang penthouse.

“Sobrang mahal ko siya. Imagine ba naman siya ang nagbago ng kapalaran mo," ani Daisy.

“I will do my best to do and to live and be the person that you want me to be. As you told me before, 'If they bully you one time, shame on you in second time'" pag-alala niya sa mga naituro ni Marie sa kanya.

Malaki ang pasasalamat ni Daisy sa mga naging pamana ni Marie sa kanya. "Super talaga yung saya ngayon sa binigay ni Madam Marie na pamana. Maraming naitulong sa aking pamilya."

Nagbigay rin siya ng payo sa mga Overseas Filipino workers,"Sa mga OFW naghihirap man kayo ngayon, patience and hard work are the key to success."

"The overall denominatorng lahat ng ito ay 'yung honesty. Kung anumang trabaho ang meron ka, gawin mo na nang tama," dagdag pa niya.