Nagpaabot ng pasasalamat si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General ManagerAtty. Romando "Don" S. Artes sa pagtitiwala at kumpiyansa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

"I am humbled and grateful for the trust and confidence given to me by President Rodrigo Roa Duterte as the new General Manager of the Metropolitan Manila Development Authority," ani Atty. Artes.

Noong Oktubre 12, kinumpirma ng pamunuan ng MMDA ang pagkakatalaga ni Artes bilang bagong general manager ng ahensya.

"Being the former assistant general manager for finance and administration, I am giving my assurance that the programs and projects being undertaken by the Authority will continue, as I work hand in hand with Chairman Benhur Abalos and the entire MMDA workforce amid our gradual shift to the new normal brought by the COVID-19 pandemic," pahayag pa nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya ang naturang oportunidad ay magbibigay sa kanya ng sapat na motibasyon na ipagpatuloy ang nasimulang mga reporma at pangakong pagkakaloob ng tulong ang chairman sa paggawa ng mga proyekto, resolusyon, ordinansa, at regulasyon para sa Metro Manila upang isulong ang pagpapanatili sa kaunlaran ngNational Capital Region at lalong pag-ibayuhin ang buhay ng mamamayan.

"As I embark on this new assignment despite only for a brief period of time, I promise to do whatever it takes to ensure the delivery of quality service to the public," ani Atty. Artes.

Pinalitan ni Atty. Artes ang nagbitiw sa puwesto na si dating GM Jojo Garcia matapos magdeklara ng kanyang intensyong tumakbo sa pagkakongresista sa Rizal sa 2022 elections.

Bella Gamotea