Hangad ni Manila Mayor Isko Moreno ang agarang kagalingan ni Davao City Mayor Sara Duterte na ngayon ay kasalukuyang naka-isolate at nagpapagaling mula sa COVID-19.

Ayon kay Moreno, hindi pa niya nakikita at nakakausap si Mayor Sara kaya ipinaabot na lamang niya ang kanyang well wishes sa alkalde sa pamamagitan ng isang kaibigan.

“I wish her well. I know the feeling of having COVID. I have sent my regards to her and I will pray for her,” pahayag pa ng alkalde.

Bilang isang COVID survivor, sinabi ni Moreno na napakahirap talaga na mahawahan ng coronavirus.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Matatandaan na siya at si Manila Vice Mayor Honey Lacuna ay magkasunod na tinamaan ng COVID-19 at kapwa na magkasunod din na gumaling matapos gamutin saSta. Ana Hospitalsa ilalim ng pangangalaga ni Dr. Grace Padilla, na siyang direktor ng nasabing ospital.

“Wala talagang kinikilalang estado sa buhay ang COVID kaya mag-ingat tayong lahat. I really feel for her and I do hope she recovers,” dagdag pa ni Moreno.

Nabatid na si Mayor Sara ay fully-vaccinated naman laban sa COVID-19 at nakaranas lamang ng mild symptoms nang dapuan ng sakit noong Oktubre 9.

Bumubuti na rin umano ang kalagayan niya sa ngayon.

Kaugnay nito, muling binigyang-diin ni Moreno ang kahalagahan na maging fully vaccinated upang magkaroon ng kasiguruhan na hindi mauuwi sa severe at kritikal na kondisyon, sakaling tamaan ka pa rin ng COVID-19.

Mary Ann Santiago