Emosyunal na ibinalita ng sikat na social media influencer/vlogger na si Madam Kilay na na-hack ang kaniyang YouTube channel nitong Martes, Oktubre 12.
"Na-hack po ang YouTube channel ko… kung kailan naman bayaran na ng revenue this month… Diyos ko naman, ang laki ng hirap ko doon, itinaon pa talaga na malapit nang mag-pay day," umiiyak na balita ni Madam Kilay sa kaniyang Facebook Live.
Hinayang na hinayang si Madam Kilay dahil halos tatlong taon din niyang pinaghirapang humakot ng subscribers, mag-isip at gumawa ng content, at mag-edit ng videos kaya naman nagpanic siya dahil baka makubra umano ng hacker ang susuwelduhan niya rito. Nanawagan siya sa mga kapwa niya vloggers na tulungan sana siyang mabawi ang kaniyang YT channel mula sa hacker.
Batay sa Facebook posts ni Madam, mukhang maraming vloggers na sumusuporta sa kaniya ang tumulong para mabawi niya ang YT channel.
"MARAMING SALAMAT SA MGA KAPWA KO VLOGER NA NAG MAG MESSAGE PARA MA RETRIEVE ANG AKING YOUTUBE! Shawarawttt mga toll!! Thinking positive na mabalik," aniya.
Mabawi pa kaya niya ang YT channel na pinagkakakitaan niya nang malaki?
Batay sa latest FB post niya nitong Oktubre 13, mukhang nabawi na niya ang YT channel! Manginig na raw ang kaniyang mga bashers dahil she's back!
"HOYYYYYYYYYYYY KAGIGISING KO LANG!!!!!!! PAGSASAMPALIN KO NA KAYO LAHAT SA TUWAAAAA!
HElla!! Bashers MANGINIG KA NA I'M BACKKKKKK!!!" aniya.
Pinasalamatan niya ang nagngangalang 'Roden Ico' at 'Jomar Lovena' na siyang tumulong sa kaniya upang ma-retrieve niya ang kaniyang YT channel.
"At sa mga support ninyong lahat mga chaps na followers and subscribers to make feel positive maraming-maraming salamat po!! WE'RE BACKKKKK!!"