Ipinaliwanag ni Unkabogable Star at 'It's Showtime' host na si Vice Ganda ang depinisyon niya ng isang totoo at tapat na public servant.

Nabuksan kasi ang paksa dahil sa 'Reina ng Tahanan' segment, kung saan ang kalahok na ReiNanay na si Yolanda Magat mula sa Caloocan City ay 25 taon nang naglilingkod bilang health worker.

Aniya, kahit na hindi kalakihan ang suweldo na natatanggap niya, bet niya ang ginagawa niya dahil misyon umano niyang makatulong sa kaniyang kapwa.

Kaya papuri ni Vice kay Yolanda, "You are the true public servant, because a true public servant is selfless."

Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl

“Serbisyo publiko. Kinakalimutan niya ang sarili niya, dahil iyong pinagsiserbisyuhan niya muna bago siya. Iyon ’yung totoong public servant," giit pa niya.

Maya-maya ay pinaringgan na niya ang mga naka-posisyon sa gobyerno, bagama't pangkalahatan naman ito.

"Yung mga totoong public servants, hindi sila yumayaman at hindi sila nagpapayaman. ’Yung mga yumaman habang nakaupo, hindi sila totoong public servants," aniya.

“Ginamit lang nila ang posiyon para mabigyan nila ng sariling pag-angat ang kanilang mga pamilya. At nagpagamit din tayo sa mga ’yan.”

Sa mga nakalipas na araw ay nagiging vocal na si Vice Ganda sa kaniyang mga opinyon at saloobin hinggil sa mga usaping politikal, at tila keber siya kung may sumang-ayon sa kaniya o may sumoplak na bashers sa kaniya.