Pinag-uusapan ngayon ang ginawa umanong 'mass report' sa Facebook page na 'Senyora' ng mga tagasuporta ni Presidential Candidate VP Leni Robredo dahil sa FB survey na ginawa nito para kina BBM at VP Leni, at sa mga post dito na nakakiling umano sa administrasyon.

Gumawa pa siya ng survey kung sino ang mas bet ng mga tao na maging pangulo ng Pilipinas: si Bongbong Marcos o BBM ba o si VP leni. Kapag si BBM, kailangang pusuan ang FB post, at kapag si VP Leni naman ay like.

"SO MAY ROUND 2 PALA SA 2022!! Ano ang pulso ng mga hampaslupa? Kanino ang boto n’yo?" nakalagay sa caption ng original Facebook post.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Larawan mula sa FB/Senyora

Batay sa resulta, umabot sa halos 350K ang heart reaction at 84K naman sa likes.

Nang ulitin niya ito, mas lamang ang heart reactions kaysa sa likes.

"Morning! Ito ang FB survey na walang magic! Kitang-kita yung mga mukhang pera na nag-haha react," ayon dito.

Subalit mukhang na-mass report na ng 'Laban Leni Cascade Group' ang Senyora Facebook page.

"Ganyan sila yung mga mahilig magsabing freedom of speech pero pag di pumapabor sa kanila dapat MASS REPORT," ayon sa latest Facebook post ni 'Senyora' kalakip ang screenshots ng mass reporting.

May be an image of 2 people and text
Larawan mula sa FB/Senyora

"Buti na lang natunugan ng isa nating kachismis sa group natin. Iba talaga mga Mosang kung saan-saan nakakarating," ayon pa rito.